A Short Tour of Manila

March 3, 2016 2016年3月3日

In her photography, Catherine Ramos (aka Kleng Ramos) likes to capture the life, charm, energy and the colors of the everyday scenarios that she encounters in the streets of the Philippines, or wherever she goes to travel. She first started shooting in high school with a simple point and shoot digital camera, and ever since then she gets a thrill in capturing things that are rarely seen.


Sa kanyang potograpya, gusto ni Catherine Ramos (na kilala rin bilang Kleng Ramos) na kumuha ng larawan ng buhay, alindog, enerhiya at  mga kulay ng araw-araw na senaryo na nakakasalubong niya sa mga lansangan ng Pilipinas, o saan man siya maglakbay. Nagsimula siyang kumuha ng larawan noong siya ay nasa mataas na paaralan na may simple point at shoot digital camera, at simula noon ay nakakuha siya ng kagalakan sa pagkuha ng larawan ng mga bagay na pambihirang makita.

When asked about Manila, her home city, Catherine tells us, “What I like the most in this city is that there’s always something going on here. This city is busy, yet so lively.” For her, there are always new hang-out places, dining and drinking places pop up constantly, and there never seem to be a shortage of events. The locals in Manila also really know how to have fun and be hospitable.


Nang tanungin siya tungkol sa Maynila na kanyang tahanang lungsod, ikinuwento sa amin ni Catherine na, “Ang pinakagusto ko sa lungsod na ito ay laging mayroong kakaiba dito. Ang lungsod na ito ay abala ngunit buhay na buhay.” Para sa kanya, laging maraming lugar na pasyalan, kainan at inumang lugar na patuloy na lumalabas, at waring hindi kailanman nauubusan ng mga pagdiriwang. Alam din ng mga tao sa Maynila kung paano magsaya at maging magiliw sa panauhin.

Catherine comes from San Juan City, Metro Manila. This is the city that she loves the most and is most familiar with. This part of Manila offers many little surprises to visitors, from cool neighborhood street art to delicious food served in its small local restaurants. While not exactly a pedestrian city, she tells us Manila is rapidly making improvements to make the city more walkable and safer.


Si Catherine ay nagmula sa Lungsod ng San Juan, Kalakhang Maynila. Ito ang lungsod na pinaka gustong-gusto niya at pinaka pamilyar sa kanya. Ang bahagi ng Maynilang ito ay nag-aalok ng maraming maliliit na sorpresa sa mga bisita mula sa magagandang sining sa kalsada ng lugar hanggang sa masasarap na inihahaing pagkain sa maliliit na lokal na restawran dito. Habang hindi pa eksaktong lungsod ng mga taong naglalakad, sinabi niya na mabilis na nagkakaroon ng mga pagbabago ang Maynila para malakaran nang ligtas ang lungsod.

“If you are into thrift shops or you would like to shop for vintage and artsy stuff,” Catherine tells us, “you can go to Cubao X, which is located in Cubao-Quezon City, or the Future Market in Manila.” If you want to check it out, Catherine advises that Future Market only happens on Saturdays. At the thrift stores in Cubao X, you can find used clothing, shoes, vintage memorabilias, old cameras, watches, furnitures, vinyl records, books and much more.


“Kung ikaw ay mahilig mamili sa mga ukay-ukay o gusto mong mamili ng antigo at masining na kagamitan,” sinabi sa amin ni Catherine na, “maaari kang magpunta sa Cubao X, na matatagpuan sa Cubao-Lungsod ng Quezon, o sa Future Market sa Maynila.” Kung gusto mong mamili, ipinapayo ni Catherine na ang Future Market  ay nagaganap lamang tuwing Sabado. Sa mga ukay-ukay sa Cubao X, makikita mo ang mga nagamit nang kasuotan, sapatos, antigong mga palamuti, lumang kamera, relo, muwebles, vinyl records, aklat at marami pang iba.

If you want to eat and have a good variety of choices, Catherine recommends that you try the Greenfield Weekend Market on Shaw Boulevard in Mandaluyong City. “A lot of food stalls are set up there during the weekends. Apart from that, artwork and vintage finds could also be bought there,” she says. Sometimes, it is possible to catch some musical performances from local bands while enjoying your food at this park.


Kung gusto mong kumain at magkaroon ng maraming pagpipilian, inirerekomenda ni Catherine na subukan mo ang Greenfield Weekend Market sa Shaw Boulevard sa Lungsod ng Mandaluyong. “Maraming puwesto ng pagkain doon tuwing huling linggo. Bukod doon, mabibili rin ang mga gawang-sining at antigo,” kuwento niya. Minsan, maaaring makakita ng ilang musikang pagtatanghal mula sa mga lokal na banda habang kumakain sa parkeng ito.

“If you would like to watch local bands, be it mainstream or indie,” Catherine says, “I suggest that you go to Saguijo and B-Side which are located in Makati City, or Route 196 which is located in Quezon City.” For contemporary art, Catherine highly recommends the Pinto Art Museum in Antipolo City, Rizal. While it is actually just outside of Manila, the museum is a very famous destination for art enthusiasts.


“Kung gusto mong manood ng mga lokal na banda, mapa- mainstream o indie,” kuwento ni Catherine, “Iminumungkahi ko na magpunta ka sa Saguijo at B-Side na matatagpuan sa Lungsod ng Makati, o Route 196 na matatagpuan sa Lungsod ng Quezon.”Para sa mga napapanahong sining, higit na inirerekomenda ni Catherine ang Pinto Art Museum sa Lungsod ng Antipolo sa Rizal. Habang sa katunayan, ito ay nasa labas ng Maynila, ang museo ay napakasikat na destinasyon para sa mga tagahanga ng sining.

“Nowadays,” Catherine says, “people here in Manila are starting to favor more local cafes, even though famous coffee chains could be found in almost every street – especially around the busy areas of Manila.” To try the local brews, she recommends checking out Local Edition, Yardstick and Commune, which are located in Makati City.


“Sa kasalukuyan,” kuwento ni Catherine, “ang mga tao dito sa Maynila ay nagsisimulang higit na paboran ang mga lokal na kapehan, kahit na ang mga kilalang tindahan ng kape ay matatagpuan sa halos lahat ng kalsada– lalo na sa buong abalang lugar ng Maynila.” Para subukan ang lokal na paggawa ng kape, inirekomenda niya na magpunta sa Local Edition, Yardstick at Commune, na matatagpuan sa Lungsod ng Makati.

As a street photographer, Ramos has come across a lot of different encounters while out shooting. There was one time when she approached a homeless woman to ask if she could take a portrait of her. “Despite the hardships that the woman obviously had been through, I was amazed how excited and happy she was when I asked her to be photographed,” Catherine says, “That encounter made me realize a lot of things and I can say that it was the most memorable experience I had so far while shooting the streets of Manila.”


Bilang litratista ng lansangan, naranasan ni Ramos ang maraming iba’t ibang hamon habang kumukuha ng larawan. Isang beses nang lumapit siya sa babaeng walang tahanan para hilingin kung maaari siyang makakuha ng kanyang litrato. “Sa kabila ng kahirapan na halatang pinagdaraanan ng babae, humanga ako kung gaano siya kasabik at kasaya nang hilingin ko na kunan siya ng litrato,” kuwento ni Catherine, “Ang karanasang iyon ay nagmulat sa akin sa maraming bagay at masasabi ko na ito ang pinaka hindi malilimutang karanasan na mayroon ako habang kumukuha ng larawan sa mga lansangan ng Maynila.”

Website: triplekleng.blogspot.com
VSCO Gridvsco.co/klengramos

 

Contributor: Leon Yan
Photographer: Kleng Ramos


Website: triplekleng.blogspot.com
VSCO Grid: vsco.co/klengramos

 

Kontribyutor: Leon Yan
Litratista: Kleng Ramos