Alien sightings have been reported in the Philippines. Often bearing an uncanny resemblance to humans, these grotesque monstrosities have seemingly infiltrated the city of Manila within the last few years. Luckily, Philippine-based artist and designer Leeroy New has assured us there’s no need for alarm. Spawned from the murky depths of his imagination and brought to life at his studio in a Frankenstein-esque fashion, this ever-growing legion of anomalous and mutated life forms are all here in the name of art.
May mga naiulat na nakitang alien sa Pilipinas. Madalas nagpapakita ng nakagugulat na pagkakahawig sa mga tao, ang kakatwang mga halimaw na ito ay tila nasakop na ang lungsod ng Maynila, sa pamamagitan ng paglitaw sa nakaraang ilang taon. Sa kabutihang-palad, tiniyak sa atin ng kontemporanyong arteistang nakabase sa Pilipinas na si Leeroy New na walang dapat na ikabahala. Iniluwal ng kanyang guni-guni at binigyang-buhay sa kanyang estudyo, ang patuloy na dumaraming lehiyon ng maanomalya at pagbabagong anyo ng buhay ay naritong lahat sa ngalan ng sining.
Originally trained as a sculptor, New’s insatiable curiosity led him to dabble with a variety of different mediums over the years, ranging from fashion to filmmaking. His creative work is an amalgamation of his past accumulated skills, ongoing societal observations, and his vivid—but at times disturbing—imagination. “Growing up in a small town in the south of the Philippines, I was part of a generation that was media fed with an assortment of futuristic visions and fantasy worlds,” New explained. “They were so seductive and alluring to me because it was so distinct from my immediate reality. But as an adult working in the creative industries, I have made it a point to actively participate and contribute to the ever-growing continuum of visual and experiential interpretations of the future, as well as the unknown, all the while actively participating in the transformation of my current realities.”
Orihinal na nagsanay bilang eskultor, ang hindi matighaw na pagkamausisa ni New ang nagtulak sa kanya para subukan ang iba’t ibang midyum sa paglipas ng mga taon, mula sa usong pananamit hanggang sa paggawa ng pelikula. Ang kaniyang malikhaing paggawa ay nagmula sa pinagsama-sama niyang kasanayan sa nakaraan, kasalukuyang pagmamasid sa lipunan, at ang malinaw — ngunit minsan ay nakababahalang — imahinasyon. “Sa aking paglaki sa isang maliit na nayon sa timog ng Pilipinas, bahagi ako ng isang henerasyong sinubuan ng media ng iba’t ibang pananaw sa hinaharap at mundo ng pantasya,” paliwanag ni New. “Sobrang nakatutukso at nakahahalina sa akin ang mga ito dahil tunay na kakaiba sa aking kagyat na realidad. Ngunit bilang isang adult na nagtratrabaho sa malikhaing mga industriya, sinigurado ko ang aktibong paglahok at pag-aambag sa patuloy na lumalaking hanay ng biswal at pangkaranasang interpretasyon ng hinaharap, gayon din ang mga bagay na hindi tiyak, habang aktibong lumalahok sa transpormasyon ng kasalukuyan kong realidad.”
His mind-bending work, which ranges from large-scale installations to elaborately hideous costumes, are often intended to be exhibited in public spaces; this stems from his early realization that the Filipino art scene operates quite differently from the art scene in Western countries. Through his understanding of the Filipino people’s cultural and creative habits, New decided the standard methods of presenting or experiencing art must be revamped. “I was drawn to the idea of creating work in public spaces as a means of meeting my target audience, the majority of the Filipino population who aren’t interested in art, halfway,” New explains. Despite being outwardly hideous and not adhering to conventional ideals of beauty, New’s imaginative work ultimately aims to enrich and improve people’s lives through creativity and art.
Ang kaniyang mga gawang nakakalito ng isip, mula sa malakihang instalasyon hanggang sa detalyado at kakilakilabot na mga kasuotan, ay kadalasang ipinasasadya para ipakita sa mga pampublikong lugar; nagmumula ito sa kanyang maagang pagkabatid na ang Pilipinong sining ay sadyang kakaiba ang takbo kumpara sa sining sa mga bansa sa kanluran. Sa pamamagitan ng kanyang pag-unawa sa pangkultura at malikhaing mga kinagawian ng mga Pilipino, nagpasya si New na palitan ang mga pamantayan sa pamamaraan ng pagpapakita o pagdanas sa sining. “Naakit ako ng idea ng paglikha sa mga pampublikong lugar bilang paraan ng pakikipagtagpo sa aking mga pinupuntiryang manonood, ang karamihan ng populasyon ng Pilipino na hindi interesado sa sining,” paliwanag ni New. Kahit na kapansin-pansin ang pagiging kontra at hindi pagsunod sa kumbensiyonal na mga ideal ng kagandahan, ang pangunahing layon ng maguni-guning gawa ni New ay ang pagyamanin at pahusayin ang buhay ng mga tao sa pamamagitan ng pagkamalikhain at sining.
However visually jarring, New’s otherworldly creations forces people to take a second glance. Only upon closer examination will his surprising material choices reveal their true identities. For Baletes, one of his earlier projects, he reimagined the vines of the Filipino balete tree as a mutating organism that intertwined and entangled itself with the architecture of Quezon City’s Ateneo Art Gallery – the entirety of this amorphous creation was constructed with electric conduit casing and plastic cable ties.
Gaano man katinding tingnan, ang mga likha ni New na pang-ibang mundo ay pumipilit sa mga tao na sumulyap muli. Sa malapitang pagsusuri lang ihinahayag ng kaniyang mga piniling materyal ang tunay na pagkakakilanlan ng mga ito. Para sa Baletes, isa sa nauna niyang mga proyekto, hinaraya niyang muli ang mga baging ng punong balete ng Pilipino bilang mga nagbabagong organismong nakapulupot at nakasalabit sa sarili nito sa arkitektura ng Ateneo Art Gallery ng Quezon City — ang kabuuan ng walang hugis na likhang ito ay ginawa mula sa mga kable ng kuryente at mga pantaling kableng plastik.
“At one point, I realized that the value in my early works and methods is grounded on this practice of making the most of what is available, to be able to respond in an authentic manner to your social conditions,” says New. “I found this made things easier for me. Suddenly there was no pressure for me to try and catch up with the latest in art-making technologies. All I had to rely on was my inherent set of skills, sensibility for form, and, more importantly, a sense of empathy for socio-cultural situations.”
“Sa isang punto, nabatid kong ang halaga ng nauna kong mga gawa at pamamaraan ay nakabatay sa kaugaliang pagsulit sa kung ano ang mayroon, para makatugon sa isang awtentikong paraan sa iyong mga kondisyong panlipunan,” sabi ni New. “Nalaman kong pinadali nito ang mga bagay para sa akin. Bigla na lamang nawala ang pressure na dapat maghabol sa pinakabagong teknolohiya ng paggawa ng sining, at ang kailangan ko lang sandigan ay ang aking pinagbatayang kasanayan, sensibilidad sa anyo, at, higit na mahalaga, pagdamay sa mga sitwasyong sosyo-kultural.”
For New’s ongoing project Aliens of Manila, he continues his trend of using a myriad of unconventional materials to construct his intricate costumes, some of which have been used in his past works, such as latex and toy parts. Originally intended to be a joke and parody of the Humans of New York project, it soon developed into a collaborative project between him and fellow creatives that intended to be a visual expression of their thoughts about the relationship between people, mainstream society, and the government.
Para sa kasalukuyang proyekto ni New na Aliens of Manila, ipinagpapatuloy niya ang kaniyang pauso sa paggamit sa sari-sari at hindi kumbensiyonal na materyal para gawin ang mabusising mga kasuotan, kung saan ang ilan ay ginamit na sa nauna niyang mga gawa, tulad ng latex at mga piyesa ng laruan. Orihinal na sinadya bilang biro at parunggit sa serye ng retrato ng Humans of New York, lumawak ito bilang bayanihang proyekto sa pagitan niya at ng mga kapwa manlilikha na nilayong maging biswal na paghayag ng kanilang iniisip tungkol sa relasyon sa pagitan ng mga tao, pangunahing lipunan, at gobyerno.
Photos from the Aliens of Manila project are sporadically updated on their Facebook and Instagram page, often accompanied by short blurbs of text, which are sourced from either the project participants or New’s writer friends. “We try to be conscious about drawing from real voices we encounter in our daily interactions. Each alien character most probably represents a person we’ve encountered in real life.”
Ang mga larawan mula sa proyektong Aliens of Manila ay ina-update paminsan-minsan sa kanilang pahina sa Facebook at Instagram, kadalasang sinasamahan ng maikling teksto, na hinalaw mula sa alinman sa kalahok ng proyekto o mga kaibigang manunulat ni New. “Pinipilit naming maging atentibo sa pagkuha mula sa mga tunay na tinig na nakakasalamuha namin sa araw-araw na pakikipamuhay. Bawat karakter ng alien ay malamang na kumakatawan sa isang taong nakasalamuha namin sa tunay na buhay.”
Website:
leeroynew.com
Facebook:
~/leeroynewpage
~/aliensofmanila
Instagram:
@newleeroy
@aliensofmanila
Contributor: David Yen
Images Courtesy of Leeroy New
Website:
leeroynew.com
Facebook:
~/leeroynewpage
~/aliensofmanila
Instagram:
@newleeroy
@aliensofmanila
Kontribyutor: David Yen
Ang Mga Imahen na Mula kay Leeroy New